home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesplaysbibliographybookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

Liliwanag ang entablado. Makikitang muli ang kabahayan na pinagsisilbihan ni Margie. May isang bata, si RAMON, na sampung taong gulang, na makikitang naglalaro ng video game sa sala. Abalang-abala siya sa kanyang Play Station. Maririnig ang mga laser sounds na may kalakasan.

Palabas si Margie mula sa kusina na may dalang tray na may baso ng gatas at isang hotdog bun. Ibababa niya ito sa mababang hapag na malapit kay Ramon. Lalapit si Margie sa tv at hihinaan ang volume.


Ate Margie! Alika, laro tayo! Tulungan mo ko, Ate Margie! Tuturuan kita. Two-player tayo.

Hus, ano bang alam ko diyan?

Sige na, Ate Margie! Eto, o, hawakan mo 'tong isa pang controller. Teka, kakabit ko. Ayan, o. Sige na, Ate! Laro tayo. Ayokong kalaban lagi yung computer, eh. Mag-two-player tayo. Madali lang, Ate Margie. Heto, o, pindutin mo dito pag gusto mong tumalon, eto naman yung punch, yung kick. Pag-atras, dito. Sige na.

Ipipilit ni Ramon na hawakan ni Margie ang controller. Matatawa si Margie, tatanggapin, pero hindi talaga mamanipulahin ito.

Ay, Ramon, malay ko rito? Di ko kaya ito. Matanda na ako. At saka yang hot dog na hiningi mo, lalamig na yan. O, inumin mo na yang gatas, at itong vitamin mo.

Uy, hot dog. May mustard, Ate Margie?

Siempre.

Titignan ni Ramon, bubuksan ang hot dog bun. Sasarang muli at kakagat.

Hawa naman, Ate Margie, o. KJ ka naman. Madali namang matuto, eh. Pindot-pindot lang, o. Kaya nga di ako masaya rito, eh. Wala akong kalaro.


Hawa naman, Ate Margie, o. KJ ka naman. Madali namang matuto, eh. Pindot-pindot lang, o. Kaya nga di ako masaya rito, eh. Wala akong kalaro. Dun kay Mama, nandun sina Ryan at Ray-an, lagi kaming nagpe-Play Station. Dito, pareho kayo ni Papa, di marunong. Ayaw namang subukan.

Eh may hot dog ka bang ganyan dun?

Oo, ba. Iba-iba pa ngang merienda. Pero siempre, mas masarap yung hinahanda mo. Kaya lang, dun, di na nga kami kumakain pag naglalaro, eh. Exciting kasi, pag kami nina Ryan at Ray-an ang nag-tri-three-player...

Eh ba't di mo imbitahin dito yung mga pinsan mo?

Ayaw ni Tita Lucy, eh. Galit kay Papa.

Kung yung Mama mo, hindi galit sa Papa mo, eh, ba't yang Tita Lucy mo pa?

Ewan. Di nga makapunta si Papa dun, eh. O di makapasok. Binababa lang niya ako sa gate pag dun ako kila Mama.

Ang hirap nga niyang ganyan, eh. Kawawa ka naman, palipat-lipat.

Oo nga, eh. Ba't ba naghiwalay sina Papa't Mama, Ate Margie?

Ay, huwag akong tanungin mo diyan.

Eh pag sila naman ang tinatanong ko, parehong sinasabi na temporary lang daw, experiment daw. Pero yung mga Tita ko, galit kay Papa. Si Mama lang ang nakaka-usap niya, pero sa telepono lang.

Hayaan mo. Nasasanay ka na naman, eh, at mag-iisang taon na yan. Buti rin siguro yan, Ramon, magiging malakas ka, at independente ka, natututo kang alagaan iyang sarili mo.

Pero ikaw ang nag-aalaga sakin, di ba, Ate Margie?

O, inumin mo na itong vitamin mo. At ang gatas. Tapos brush-teeth ka na. Malapit nang dumating ang Papa mo, susunduin ka raw ng 3. Mag-a-alas-tres na.

Kukunin ni Ramon ang vitamin at lulunukin, at iinumin ang gatas. Kukuha ng tissue si Margie at pupunasan ang bibig ng bata.

Teka, Ate, maglalaro pa ko. Hanggang bumusina si Papa. Pero next time, turuan kita, ha? Para mag-two-player tayo. Ha, Ate Margie? O kaya, aralin mo habang wala ako, gusto mo? Iiwan kong naka-on ...

Saka na lang, Ramon. Pag pareho tayong may panahon.

Talaga? Talaga, ha, Ate? Turuan kita, ha?

Madidinig ang busina sa labas.

O, ayan na'ng Papa mo. Itong bag, baka makalimutan mo.

Teka, Ate, se-save ko muna 'tong game. Pakisabi kay Papa, sandali lang.

Pupunta si Margie sa pintuan at bubuksan ito; medyo ilalabas ang katawan.

Sir, nandiyan na ho! Lalabas na!

Matatapos si Ramong mag-save ng game, at papatayin ang controls at ang tv. Magmamadali ang batang dadampot sa backpack niya, at tatakbong palabas.

Sige, Ate Margie, ha? Pagbalik ko sa Linggo, turuan kita, ha?

Paano yun, eh, mag-ho-homework ka pa. Eh gabi ka nang bumabalik pag Linggo.

A, basta!

O siya, siya! Pakabait ka ...

Babalik sa sala si Margie at kukunin ang tray. Dadalhin ito sa kusina. Babalik sa sala at itatabi ang Play Station, ibabalik sa kinalalagyan sa loob ng pinapatungan ng tv. Pupunasan niya ang mababang mesa matapos kolektahin ang mga nagkalat na pira-pirasong tinapay.

Madidinig ang malakas na busina, iba sa unang busina ng kotse ng Papa ni Ramon. Tatakbo si Margie sa kusina, at lalabas muli na bitbit ang malaking itim na plastic bag na puno ng basura. Sandali itong lalabas ng bahay. Kikiriring ang telepono. Humahangos na papasok si Margie at patakbong tutungo sa kumikiriring na telepono.


Hello? ... Opo. Good afternoon, Ma'm. ... Eh nasa labas po ko, dumating yung garbage truck, eh. ... Umalis na po. Kasusundo lang po ni Mister, kasama na po si Ramon. ... Oho, Ma'm, dadalhin daw po diyan. ... Okey, Ma'm. Sige ho, Ma'm.

O, Esther! Diday! Napasyal kayo. Halikayo, ako lang dito.

Papasok sina Esther at Diday. Si Diday ay may 30 anyos. Naka-uniporme ito. Si Esther ay naka-blouse at blue jeans. Parehong nakakunot-noo ang dalawa.

Ay naku, Margie! Nangyari na nga. Pinabili raw ng grocery si Lani kaninang umaga....Pagbalik ni Lani, wala na si Mr. Enriquez, at si Jo-Ann daw, andun daw sa maid's room, umiiyak.


Ay naku, Margie! Nangyari na nga. Pinabili raw ng grocery si Lani kaninang umaga. Tapos may pinakuha naman dito kay Diday sa Mama niya. Pagbalik ni Lani, wala na si Mr. Enriquez, at si Jo-Ann daw, andun daw sa maid's room, umiiyak. Pero ayaw magsalita. Hanggang pagbalik ni Diday, tinatanong nila kung anong nangyari, ayaw pa rin daw kumibo. Tapos biglang nawala. Hindi naman daw dala yung mga gamit niya.

Paanong nawala?

Eh hindi pa kasi kami kumakain ni Lani, ano. Nagtatanghalian kami sa kusina, tapos naghugas ng mga plato. Pagbalik ni Lani sa kwarto namin, wala na dun si Jo-Ann. Lumabas ng bahay. Nagpunta 'ko sa guardhouse, di raw nila namalayan. At di pa nila gaanong kilala si Jo-Ann.

Saan kaya nagpunta yun? Eh asan si Lani?

Nasa amin. Di namin pwedeng iwanan ang bahay, baka may tumawag, o bumalik si Sir. Hus, baka saksakin na ni Lani yun, eh, at galit na galit. Tiyak naming pinagsamantalahan. Pinasok namin ang kwarto ni Sir ... Ayun. May dugo sa kama. Putang-inang yan! Putang-ina niya!

previous page | next page

back to toptop



powered by
FreeFind
  poems | essays | short stories | plays
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece | bibliography
books | links | archives | index to issues
readers | about us | current issue